Mahigit 80% ng COCs, nasa pag-iingat na ng Senado

Ngayong araw ay nasa 141 na Certificates of Canvass o COCs na ang nai-turn over sa Senado at mahigpit na binabantayan.

Yan ay katumbas ng 80.5% ng kabuuang 173 COCs na inaasahang maiti-turn over sa Senado bago magsimula ang canvassing ng boto para sa pangulo at ikalawalang pangulo.

Kabilang sa mga COCs at Election Returns (ERs) na naisumite sa Senado ngayong araw ay galing sa Tawi-Tawi, Leyte, Davao City, Zamboanga del Sur, Siquijor, Bohol, Manila at mula rin sa 63-barangay ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Natanggap na rin ng Senado ang COCs ng absentee voting mula sa Agana, Kuwait, Japan at Oman.

Inaasahang makukompleto ang mga COCs at ERs bago mag-convene ang Senado at Kamara sa May 24 bilang National Board of Canvassers na magbibilang ng mga boto at magpo-proklama sa nanalong presidente at bise presidente.

Facebook Comments