MAHIGIT 800 NA KATUTUBO SA CAGAYAN, TUMANGGAP NG RICE FARMERS FINANCIAL ASSISTANCE

Cauayan City- Kabuuang 823 Malawegs ang nakatanggap ng Rice Farmers Financial Assistance mula sa Department of Agriculture Region 2 (DA-2) ngayong araw, March 14, 2022.

Hakbang ito ng pamahalaan upang tulungan ang mga rice farmers mula sa bayan ng Rizal, Cagayan na nagtatanim ng hindi hihigit sa 2 ektarya mg lupain kung saan nasa P4.1 ang pondong inilaan para sa mga benepisyaryo.

Hamon ni DA Regional Executive Director Narciso Edillo sa mga benepisyaryo na gamitin ang limang libong tulong sa kanilang pagtatanim.

Hinimok ng opisyal na suportahan ang mga programa ng ahensya tulad ng “Plant, Plant, Plant Program Part 2” at ang pagpapatatag sa “OneDA reform agenda”.

Facebook Comments