21 ANYOS NA LALAKI SA LA UNION, BINARIL SA ULO AT SINUNOG

Halos hindi na makilala dahil sa sunog na natamo ng isang 21 anyos na lalaki sa Brgy. Bato, San Fernando City, La Union.
Ayon sa San Fernando City Police, isang residente ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima kung saan mangangahoy lang sana ito ngunit pasado alas 9:20 ng umaga noong Miyerkules, ika-10 ng Marso nang tumambad sa kanya ang nasabing katawan ng isang lalaki.
Agad itong ipinagbigay alam ng saksi.

Sa imbestigasyon ng otoridad, may dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Ang biktima ay nakilalang si Tyrone Abuan residente ng San Gabriel, La Union.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng otoridad upang malaman ang tunay na motibo ng krimen. | ifmnews
Facebook Comments