Mahigit 8,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho matapos tuluyang magsara ang 356 establisyemento sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, pinakamaraming naapektuhang manggagawa ay mula sa National Capital Region (NCR), Region 4-A at Region 3.
Pinakaapektado ang mga industriya ng food services, manufacturing, transportation at storage.
Tiniyak naman ni Tutay na oras na maipasa ang Bayanihan Act 2 ay pwedeng humingi ng ayuda ang mga informal sector mula sa Tupad Emergency Employment Program at Wage Subsidy Program ng DOLE.
Facebook Comments