Mahigit 90 mga guro ng Quezon City University, hindi pinasasahod ng naturang unibersidad; isang labor group, umapela sa LGU at administrator na bayaran ang mga teacher

Umapela ang grupong Nagkaisang Labor Coalition sa Administrator ng Quezon City University at sa Local Government Unit (LGU) na bayaran ang 93 mga guro ng naturang unibersidad.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Atty. Sonny Matula, nabigo umanong bayaran ng naturang unibersidad ang 93 teachers.

Nanawagan si Atty. Matula sa LGU at administrator ng Quezon City University na i-release ang matagal nang naantalang sahod ng 93 faculty members na nasa ilalim ng “contract of service” arrangement”.


Paliwanag ni Matula, ang mga pribadong empleyado ay dapat makatatanggap ng hindi bababa sa standard ng mga pribadong sektor alinsunod sa isinasaad sa Labor Code of the Philippines kung saan pinagkaitan ang 93 mga guro dahil mahigit limang buwan na silang hindi sinasahuran ng naturang unibersidad.

Giit ng tagapagtanggol ng mga manggagawa na ang sitwasyon ng mga guro ay hindi katanggap-tanggap at taliwas sa ginagarantiya ng ating saligang batas.

Mistula umanong alipin sa modernong panahon ang kalagayan ng mga guro na nagtatrabaho ng sobra sa kanilang oras sa pagsagot sa mga problema ng mga magulang at estudyante ng hindi binabayaran ng tamang pasahod habang nagpasasa sa bakasyon sa Amerika ang presidente ng QC University.

Facebook Comments