Manila, Philippines – Aabot sa 925-milyong dolyar ng mga negosyoat mga kontrata ang iniuwi ni Pangulong Duterte at ng kanyang delegasyon mulasa kanyang pagbisita sa tatlong bansa sa Middle East.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, na kabilang sa mgakasunduan ay may kinalaman sa larangan ng pharma generics, propertydevelopment, medical tourism, agri-industrial ecozones at turismo.
Sa Saudi Arabia, nasa $469-m na halaga ng investment ang nilagdaansa pagitan ng pilipinas at ng naturang bansa.
Sa Bahrain, aabot sa $250-milyon ng kasunduan ang nilagdaan habangnasa $206-milyong halaga ng kasunduan ang pinirmahan sa pagitan ng mganegosyante ng Qatar at Pilipinas.
Inaasahang magbubukas ng hanggang 26,000 trabaho para sa mga pinoyang mga nasabing kasunduan.
Mahigit 900 milyong dolyar na investment deal, bitbit ng Pangulong Duterte mula sa Middle East visit
Facebook Comments