Iniulat ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na sa kabila ng COVID-19 pandemic ay matagumpay na nakapagdaos ng videoconferencing hearings ang mga korte sa bansa.
Ayon kay CJ Gesmundo, nakapagdaos na ang mga korte ng kabuuang 327,991 videoconferencing hearings o 87.57% success rate.
90,040 din na Persons Deprived of Liberty (PDL) at 1,217 “children in conflict in the law” ang napalaya sa matagumpay na videoconferencing hearings.
Una nang pinahintulutan ng Supreme Court ang pagdaraos ng videoconferencing hearings ng mga hukuman para maiwasang ma-expose at ma-infect sa virus ang mga kawani ng korte gayundin ang mga partido sa kaso.
Facebook Comments