Inihayag ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) na nasa 97,714 na ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa Quezon City matapos mahawaan ng COVID-19.
Base sa datos ng QC-ESU, 97.1% mula sa 100,614 na mga nagkaroon ng COVID-19 ang gumaling na o nakarekober.
Paliwanag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, umabot naman sa 362,244 ang itinuturing na suspected COVID-19 cases matapos ang isinagawang contact tracing.
Nasa 1,165 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos dumanas ng severe o malalang kalagayan dahil sa pagtama ng virus.
Sa kasalukuyan, tumaas na naman sa 1,735 ang active cases sa lungsod habang umakyat naman sa walo ang mga komunidad na isinailalim sa lockdown.
Facebook Comments