Irerekomenda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matanggal na sa listahan ng 4P’s ang 93,600 na pangalan na pwede nang gumraduate sa programa mula sa kabuang 1.3 milyong benepisyaryo.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD Spokesman Asec. Rommel Lopez na ito ay matapos maisa ilalim sa revalidation process ang mga ito ng DSWD field offices.
Ayon kay Lopez, ginagawa nila ang revalidation para masiguro na ang mga pangalan ay karapat dapat nang alisin sa listahan at napatunayang totoong non-poor o nakaaangat na sa buhay o nakalagpas na sa poorest of the poor status.
Ibig sabihin aniya nito ay naging matagumpay ang 4Ps program dahil napaangat ang buhay ng mga benepisyaryo.
May nauna na aniyang 187 libong mga pangalan ang natanggal na sa listahan.