Mag-asawang NPA, sumuko sa Bukidnon

77

Boluntaryong sumuko sa tropa ng 88th Infantry “Maringal” Battalion, ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa Cabanglasan, Bukidnon.

Kinilala ni 88 IB Commanding Officer Lt. Col. Christian James Vingno ang mag asawa na sina alyas “Sam”, 24, ang squad leader; at alyas “Ella”, 24, ang squad medic.

Miyembro ang mga ito ng Sentro De Grabidad platoon “Peddler/Hammer”.


Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsuko ng dalawa ay bunsod ng walang humpay na operasyon ng militar sa Pantaron Mountain Ranges, na nakakasakop sa Malaybalay City, San Fernando, at Cabanglasan Bukidnon.

Nabatid na matapos sumailalim sa COVID test, sumalang ang mag-asawa sa debriefing at dokumentasyon para matanggap ang kanilang mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Facebook Comments