Pagadian, Zamboanga del sur—-Mahigit sa anim na libong puno ng Bakawan o Mangrove ang itinamin sa ginanap na KBP Oplan Broadcastreeing 2017 sa Purok Lapu-Lapu, Barangay Whitebeach dito sa Lungsod ng Pagadian.
Ang nasabing aktibidad dinalohan ng maraming mga volunteers na mula pa sa ibat-ibang grupo , mga empliyado sa mga istasyo ng Radyo na member ng KBP Radio Station AM at FM sa buong lalawigan, (Rmn-Dxpr Pagadian, 96.7 i-fm Pagadian,Dxbz Radyo Bagting, Bell Fm, RPN-Dxkp Teleradyo, Radyo Natin, Dxwo Radyo Bisdak, Dxkv-Fm Tingog sa dakbayan, Dxrm-Fm,mga estudyanti at mga guro mula sa WMSU-ZSSAT at mga bagong pasado ng KBP Accreditation Examination at mga Radio Reporter Volunteer,TOG-9 Philippine Airforce, 1st Cavalry Squadron, 1st Field Artillery Batallion Philippine Army, 62nd Airforce Group Reserve, mga empliyado ng DILG Pagadian City, DENR- PENRO, mga stakeholders gaya ng AFSLAI, ACDI, mga opisyal ng Barangay Whitebeach, mga residenti sa lugar at maging ang mga PTA federated Officers at mga miyembro din ng ORACIS ang kasama sa pagtatanim.
Ayon kay Mel Coronel, Station Manager ng RMN-DXPR Pagadian at I-FM at lokal Chairman ng KBP Zamboanga del sur-pagadian City Chapter, malaki ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga dumalo kung saan aabot sa mahigit tatlong daan at limampung mga volunteers ang nakaisa sa pagtatanim ng bakawan at nagpapasalamat din ang KBP sa mga taong nagbigay ng suporta lalong lalo na ang LGU ng Pagadian, Mayor Romeo Pulmones, Vice Governor Ace Cerilles at Governor Antonio Cerilles, natapos ang pagtatamin 11:30 ng umaga. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)
Mahigit anim na libong puno ng bakawan, itinanim sa KBP OPLAN BROADCASTREEING 2017 sa Zamboanga del Sur
Facebook Comments