
Umakyat na sa 4,141 indibidwal o 1,131 pamilya ang naitalang apektado ng patuloy na seismic activity ng Bulkang Mayon.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)–Disaster Response Management, 4,092 indibidwal o 1,116 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Samantala, 15 pamilya o katumbas ng 48 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kaanak o kaibigan sa labas ng evacuation centers.
Ayon sa DSWD, umaabot na sa mahigit ₱7.06 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng ahensya sa mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Facebook Comments









