May mahigit apat na libong Police Assistance Desk nang itinayo ang Philippine National Police sa buong bansa.
Ito ay bilang paghahanda para sa paggunita ng Semana Santa at pagbabantay na rin sa mga magbabakasyon ngayong summer season.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac ang mahigit apat na libong mga Police assistance desk na ito ay mamanduhan ng mahigit 25 libong mga Police personnel
Bilang bahagi naman ng inilalatag na seguridad naglaba na ang PNP ng ilang tips upang hindi mabiktima ng masasamang loob sa darating na semana santa at ngayong summer season.
Ilan sa mga mahahalagang tips lalo na sa mga ba byahe gamit ang sasakyan na tiyaking plano ng mabuti ang pagyahe at icheck ang BLOWBAGETS o (Battery, Light, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Engine, Tires and Self)
Sa mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan dapat na maging maaga sa terminal o paliparan, iwasan ang pagsusuot ng mamahaling alahas.
Ibilin sa mapagkakatiwalang kapitbahay ang maiiwang bahay at huwag mag po-post sa social media kung saan at kailan magbabakasyon.
Pinagiingat rin ng PNP ang publiko sa paliligo sa dagat ngayong summer season dahil base aniya sa kanilang monitoring 7 na ang namomonitor nilang nalunod.