Kaya naman hindi niya pinalampas ang pagkakataong makapag-apply sa isinagawang Mega Job Fair sa Lingayen, Pangasinan nitong Nobyembre 12, 2026, matapos mabalitaan ang libo-libong bakanteng trabahong iniaalok dito.
Aminado si Janet na hindi madali ang paghahanap ng trabaho dahil sa dami ng mga aplikanteng katulad niyang naghahangad ding magkaroon ng hanapbuhay.
Isa lamang si Janet sa mahigit dalawang milyong Pilipinong walang trabaho o unemployed, batay sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, bahagyang tumaas sa 5.4 porsiyento ang unemployment rate sa bansa noong Setyembre 2026, mula sa 5.3 porsiyento noong Agosto ng kaparehong taon.
Dahil dito, patuloy na nagsasagawa ng mga programa ang pamahalaan at mga ahensya tulad ng Department of Labor and Employment o DOLE at Public Employment Service Office o PESO upang makatulong sa paghahanap ng trabaho at mabawasan ang bilang ng mga walang hanapbuhay.
Ayon kay Ruby Mae Reyes, Constituent Services Officer at Job Fair Focal ni Senate Presidente Win Gatchalian, isa ang pagsasagawa ng job fair sa mga hakbang na nakikitang makatutulong upang mabigyan ng oportunidad ang mga naghahanap ng trabaho.
Samantala, hindi naman umuwing bigo ang ilang aplikante matapos silang matanggap agad sa trabahong kanilang inaplayan o ma-Hired on the Spot (HOTS).
Para sa mga tulad ni Kenneth Dela Cruz, malaking tulong ang pagkakaroon ng ganitong oportunidad, lalo na sa panahong marami ang nakararanas ng hirap sa paghahanap ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








