Mahigit isang libo at tatlong daang indibidwal o mahigit apat na raang pamilya ang naapektuhan sa pagyanig ng magnitude 5.3 na lindol sa Kalilangan, Bukidnon kahapon.
Sa report ng Kalilangan Municipal Police Station, halos apat na raang bahay ang nagiba sa naturang pagyanig kung saan halos 60 nito ang totally damaged.
Sampu ang naitalang nasaktan sa insedente kung saan apektado rin ang mga government infrastructures, mga paaralan, simbahan, tulay, daan at water system.
Dahil rin sa naturang pagyanig ay nagkaroon ng pagguho ng lupa sa iba’t-ibang lugar sa Kalilangan, Bukidnon.
Samantala, siyam na indibidwal at dalawang bahay naman ang apektado sa Pangantucan, Bukidnon.
By: Annaliza Amontos-Reyes
Facebook Comments