Sunday, February 8, 2026

Mahigit isang libong barangay, apektado ng pananalasa ng Bagyong Basyang

Umabot na sa 1,008 barangays ang naitalang apektado ng pananalasa ng Tropical Depression Basyang ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa huling inilabas na report ng DSWD – Disaster Response Management, nasa 210,106 na pamilya o katumbas ng 738,576 na indibidwal ang naapektuhan mula sa mga affected barangays ng sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kabilang ang Caraga, Western at Central Visayas.

Kung saan 11,071 families o 43,550 individuals ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.

Habang 2,748 na pamilya o 9,529 katao naman ang nasa kani-kanilang mga kaanak o kaibigan.

Samantala, umakyat na sa 273 na kabahayan ang tuluyang sinira ng bagyo habang 1,378 naman ay partially damaged.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD kung saan mahigit 55.3 million pesos na ang humanitarian assistance na naipahatid ng kagawaran sa mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments