Cebu, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs sa Cebu International Port Authority ang nasa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng imported rice.
Ayonsa Officer-In-Charge ng Customs Intelligence and Investigation Service-Cebuna Si Verne Enciso, galing ang mga bigas sa mga bansang Vietnam, Thailand at Pakistan, at bahagi ng minimum access volume program ng National Food Authority.
Dagdag pa nito, walang import permit na galing sa National Futures Association (NFA) ang 366 container vans na naglalaman ng sako-sakong bigas.
Dahil sa walang ring maipresentang import permit, pina-hold na ng BOC ang naturang vessel.
Sa ngayon hinihintay nalang ng boc-cebu ang magiging desisyon ni customs commissioner nicanor faeldon kung ano ang gagawin sa mga nasabat na bigas.
DZXL558