San Mariano, Isabela – Nasabat ng kapulisan ang mahit kumulang sa isang libong board feet na kahoy na nasa loob ng isang cargo truck sa San Pablo, San Mariano, Isabela, pasado alas singko ng umaga noong nakaraang Sabado habang nagsasagawa ng checkpoint ang pinagsanib pwersa ng PNP San Mariano at Isabela Provincial Intel Branch.
Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, ang mga suspek na sakay din sa truck ay kinilalang sina Jordan Carasi, Raymond Lagat at Sonny Ferrer, pawang mga nasa tamang edad at residente ng Barangay Ueg, San Mariano, samantala ang nakatakas ay ang nagngangalang Rowel ng Cadsalan, San Mariano Isabela.
Sa ngayon ay nasa himpilan na ng pulisya ang truck,mga kahoy at mga suspek kung saan ay na-inquest ngayong araw ang mga nahuling suspek.