Mahigit Labing Dalawang Libong Residente – Apektado Na Ng Nagpapatuloy Na Bakbakan Ng Militar At Maute Group Sa Butig, L

6

LANAO DEL SUR – Nasa 12,250 katao na ang apektado ng nagpapatuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa ilang bahagi ng bayan ng butig sa Lanao Del Sur.Ayon sa Department of Social Welfare and Development sa nasabing bilang, 2,075 na katao pa ang nananatili sa tatlong evacuation centers.Sa kabuuan, sinabi ng DSWD na umabot na sa mahigit P1.1 million pesos ang halaga ng naipamahagi nilang relief assistance sa mga apektadong pamilya.Kabilang dito ang 1,500 na food packs at limang daang sako ng bigas.Tiniyak naman ng DSWD na sapat ang kanilang naka-standby na supplies para maipantulong sa mga pamilya sakaling magtagal pa sila sa evacuation centers.

Facebook Comments