Umano’Y Korapsyon Sa Energy Regulatory Commission, Uumpisahan Nang Imbestigahan Ng Kamara

33

MANILA – Aarangkada na sa susunod na linggo ang pagdinig ng House Committee on Energy kaugnay sa umano’y korapsyon sa energy regulatory commission.Kasunod na rin ito sa pag-suicide ni ERC Director Francisco Jose Villa Jr. noong Nobyembre 9.Ayon kay Committee on Energy Chairman Lord Allan Jay Velasco – napagkasunduan ng kanyang komite na magkaroon ng hiwalay na pagdinig partikular sa naturang issue.Ngayon pa lamang aniya ay nakikita na nito ang pagrekumenda sa pagdinig ang gagawing amiyenda sa epira law na siyang lumikha sa ERC.Bukod dito, maaring irekumenda rin ng komite ang pagbuwag sa naturang komisyon, at ipasa sa Department of Energy ang generation at supply ng power industry.

Facebook Comments