Mahigit P1.2M droga narekober ng mga otoridad sa Isulan, Sultan Kudarat!

15

5 drug suspects ang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang operasyon ng PDEA at Isulan PNP sa Prk. Gregorio Brgy. Kalawag 3, Isulan Sultan Kuradat.
Kinilala ang mga suspek na sina Noraida Sabang, Namraida Sengkong Mama, Aisa Nasser baldido, Abdul Zainudin at Anwar Kasim Macapending nasa legal na edad at pawang residente ng Cotabato City.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagmula Cotabato City ang mga suspek sakay sa isang UV Express Van at patungo sa Tacurong City nang magarang ng mga otoridad.
Narekober sa posisyon ng mga suspek ang malaking sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.2Million, P150,000 marked money at tatlong cellphone.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga nahuling drug suspects.
GOOGLE PIC

Facebook Comments