Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit P20 milyon na halaga ng pananim marijuana ang sinira ng mga awtoridad mula sa nadiskubre nilang plantasyon sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa mga awtoridad, umaabot sa 87,950 na fully grown marijuana plants ang sabay nilang sinira mula sa taniman na may sukat na 8,100 square meter.
Kabilang rin sa mga sinunog ang 22-kilos ng dried marijuana leaves at stalks with fruiting tops na nadiskubre rin ng mga awtoridad sa lugar.
Pinagsanib pwersa ng Kalinga Police Provincial Office katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga, RIU14, RID/RDEU/RSOG, PDEG SOU1, PDEG SOU CAR, 1503rd RMFB15, RMFB, 1501st RMFB15, at Naval Forces Northern Luzon ang nagsagawa ng pagsira sa naturang mga pananim.
Ang 87,950 fully grown marijuana plants ay umabot sa halagang P17,590,000 habang ang 22-kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana ay nagkakahalaga naman ng P2,640,000.
Bahagi ng OPLAN 20 Awilit ang pagsira sa mga pananim na sa Barangay Loccong.
Nagbabala naman ang mga awtoridad na maaaring makasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang mahuhuling nagtatanim nito.