Mahigit P200-K halaga ng shabu, nasamsam sa isang buy-bust operation sa Marikina City

Aabot sa 30 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P204,000 ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa lungsod Marikina.

Kinilala ang mga suspek na sina Eloisa Gabriel Hipolito, 32-anyos at Von Jovi Senga Oliva, 26-anyos.

Ginawa ang naturang operasyon sa kahabaan ng MH Del Pilar St., Barangay Calumpang ng naturang lungsod matapos makumpirma ng mga pulis ang ilegal na transaksyon ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga.


Inaalaman na ngayon ng Marikina Philippine National Police (PNP) kung saan kumukuha ang mga suspek ng shabu matapos madiskubre na sila rin ang nagpapasok ng mga ilegal na droga sa lungsod.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marikina City Police Station Custodial Facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments