Ilang lugar sa Navotas City, isinailalim sa 14-day lockdown simula ngayong araw

Isinailalim sa lockdown simula kaninang alas-5:01 ng umaga ang Building 4 sa Navotas Homes-2 sa Barangay Tanza 2 sa Navotas City.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Navotas, tatagal ang lockdown hanggang September 19 na labing apat na araw mula ngayon.

Base sa tala ng City Health Office, mayroong 25 residente sa nasabing gusali ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 nitong nakalipas na buwan.


Paalalaa ni Mayor Toby Tiangco, lahat ng mga residente ng Building 4 ay dapat manatili sa bahay at sumailalim sa swab test.

Sa ngayon, nasa 4,473 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 3,915 ang nakarekober na at 126 ang namatay.

Facebook Comments