Tuesday, March 10, 2026

Mahigit P25 milyong halaga ng marijuana sa Ilocos Sur, sinira ng PNP

Nagsagawa ng Anti-Drug Eradication Operations ang Philippine National Police sa Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.

Unang nadiskubre na kalaunan ay sinunog din ng mga operatiba ang nasa 97,550 na fully-grown marijuana plants (FGMJP) at isang kilong tuyong marijuana stalks na may fruiting tops na tinatayang nagkakahalaga ng nasa mahigit P19 na milyon.

Sumunod nito ang pagsira sa 3,850 na uprooted fully-grown marijuana plants at 1,000 marijuana seedlings na tinatayang nagkakahalaga ng nasa mahigit P6 na milyon.

Sa kabuuan nasa mahigit P25 milyong halaga ng marijuana ang sinira ng kapulisan.

Kaugnay nito, walang suspek ang naaresto habang isinasagawa ang mga nasabing operasyon.

Facebook Comments