Mahigit P250,000 halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEA sa North Cotabato

49

North Cotabato – Mahigit P250,000 ang halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa mag-asawa sa bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato.

Hindi naman na pumalag ang mag-asawang sina Richard Balbini at misis na si Heanette na hinihinalang miyembro ng bawan drug group sa Pigcawayan makaraang masakote sila ng mga otoridad.

Ayon kay PDEA-Central Mindanao Director Gil Cesario Castro, naging katuwang ng kanilang mga ahente ang mga pulis at iba pang law enforcement units sa isinagawang operasyon.

Nasamsam mula sa tahanan ng mag-asawa ang 50 gramo ng shabu, isang 9-mm na baril na may kasamang dalawang magazines at mga bala, isang caliber .22 na rifle at magazine, isang netbook, camera, ilang pass books, bank notes at suv na ginagamit sa pagdedeliver ng droga.

Facebook Comments