Ilang lugar sa Cavite at Laguna, pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente

14

Cavite – Mawawalan ng supply ng kuryente ang town and country subdivision sa Barangay Molino III simula alas-9:30 mamayang umaga hanggang alas-2:30 ng hapon.

Ito ay dahil sa replacement ng facilities ng Meralco sa nasabing subdivision sa Bacoor, Cavite.

Mawawalan din ng kuryente ang ilang bahagi ng Cogeo Avenue mula Marcos Highway kasama na ang Bagong Nayon Subd., Cogeo Village, Mahogany Heights, Sitio Kamias, Sitio Taguisan, Sitio Tulakin at Antipolo Highlands.
Mula alas-10:00 mamayang umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, ito ay dahil sa line reconductoring work sa may Cogeo avenue sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.

Facebook Comments