
Umaabot sa 5.2 bilyong pisong halaga ng iligal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc., (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Sinaksihan mismo ang pagwasak ng iligal na droga ni Secretary Oscar F Valenzuela, chairman ng Dangerous Drugs Board o DDB, mga opisyal ng Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies, Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG), non-government organizations at media partners kung saan kabuuang mahigit dalawang libong kilo ng solid illegal drugs, at mahigit tatlong libong milliliters ng liquid illegal drugs ang winasak sa thermal decomposition orl thermolysis.
Kabilang sa mga winasak ang mahigit 700 kilograms ng shabu; 1,478.4915 kilograms ng marijuana; 4.8668 kilograms ng ecstasy; 39.2168 grams ng cocaine; 2.2116 grams ng toluene; 6.1516 grams ng ketamine; 5.5100 grams ng phenacetin; 1.0400 gram ng lsd; 2,000 ml. ng liquid cocaine; 49.0420 ml. ng liquid meth; 1,398.05 ml. ng liquid marijuana; at mga iba’t ibang na surrendered na expired medicines.
Layon ng pagwasak ng mga iligal na droga ay upang hindi mapulaan ng publiko na ginagawang recycled ang mga nakumpiska ng mga awtoridad.









