Mahigit P5M halaga ng Agri. Assistance at Proyekto, ibubuhos ng DA para sa mga magsasaka sa Cagayan

Pinasimulan na ng Dept of Agriculture ang pamamahagi ng Agricultural Assistance at proyekto sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

Kabilang dito ang pag-turn over ng DA at Landbank ng Php15,000 Cash Card, sa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers o SURE Aid sa may 803 farmer-Beneficiaries.

Sila ay mula sa Munisipalidad ng Piat, Tuao, Amulung, Iguig, Solana, Alcala, Enrile, and Peñablanca.


Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar,mayroon nang  P30-million pondo ang inilaan  sa  SURE Aid para sa  Cagayan.

Aniya may kabuuang 2,000 farmers sa lalawigan na magsasaka ng isang ektaryang lupain pababa ang kabilang sa mabibiyayaan ng programa.

Susunod aniyang mabibigyan ng tig P5-libong Cash Assistance ay ang mga farmers na nagsasaka ng higit sa dalawang ektaryang lupa na lubhang naapektuhan ng pagbagsak ng presyo ng palay.

Tiniyak din ng kalihim na makakatanggap ang lalawigan ng Cagayan ng Php321 million-halaga ng hybrid seeds ng palay at mais at Php187 million-halaga ng Agricultural Machineries, Irrigation Facilities, at Infrastructures.

Bukod dito,plano pa ng  DA na magtatag ng Fertilization Program na tutulong sa mga Farmers para mapalago ang kanilang produksyon at kumita ng malaking income.

Facebook Comments