Wednesday, March 18, 2026

Mahigit P6-M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa loob ng mixer truck sa Maguindanao del Norte

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P6 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang routine checkpoint operation sa Sitio Marayag, Brgy. Bayanga Norte, Matanog, Maguindanao del Norte.

Ayon sa pulisya, pinara nila ang isang mixer truck para magsagawa ng inspeksyon nang mapansin ang iregularidad sa cargo compartment ng sasakyan.

Dito na nadiskubre ng mga awtoridad ang hinihinalang smuggled goods matapos mahulog ang mga ito mula sa mixer drum ng truck.

Narekober ang kabuuang 7,550 reams ng iba’t ibang smuggled cigarettes.

Wala namang maipakitang kaukulang dokumento ang driver kaya siya at ang kanyang kasama, pati ang truck, ay dinala sa kustodiya ng pulisya para sa tamang dokumentasyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan at destinasyon ng mga smuggled goods, gayundin ang pagkakakilanlan ng mga sangkot sa ilegal na aktibidad.

Facebook Comments