Tuesday, June 2, 2026

Mahigit P6-M na halaga ng iligal na droga, nasamsam sa huling linggo ng Mayo sa metro Manila —NCRPO

Mahigit P6 million na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila sa huling linggo ng Mayo.

Ayon sa NCRPO, umabot sa 226 ang isinagawang anti-illegal drug operations ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Metro Manila na nagresulta sa pagkakaaresto ng 278 indibidwal at pagkakasamsam ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P6,040,414.

Kabilang sa mga nakumpiskang iligal na droga ang 851.25 gramo ng shabu, 160.50 gramo ng kush, at 9.70 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa kampanya kontra iligal na sugal, nagsagawa rin ang pulisya ng 206 operasyon kung saan 418 indibidwal ang naaresto at P141,899.50 na taya ang nakumpiska.

Nasa 21 katao rin ang naaresto sa operasyon laban sa iligal na pagdadala ng armas, habang 21 hindi rehistradong armas ang narekober ng mga awtoridad.

Bukod dito, naaresto rin ng NCRPO ang 261 wanted persons, kabilang ang 92 most wanted persons at 169 iba pang indibidwal na pinaghahanap ng batas.

Facebook Comments