
Pag-aaralang mabuti ng 11 House prosecutors, kasama ang kanilang legal team, ang sagot ni Vice President Sara Duterte sa kinakaharap na Articles of Impeachment.
Ayon kay House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, matapos ang kanilang evaluation ay kanilang ilalatag ang susunod nilang hakbang.
Inihayag ito ni Adiong makaraang opisyal na nilang matanggap ang tugon ni VP Duterte sa writ of summons ng Senate Impeachment Court.
Kaugnay nito ay muling binigyang-diin ni Adiong na handang-handa ang prosecution team sa pagsabak sa paglilitis laban kay VP Sara.
Diin ni Adiong, ang prosecution panel ng Kamara ay nananatiling “committed” na gampanan ang kanilang tungkulin na ini-aatas ng Konstitusyon kaugnay sa pagtataguyod ng pananagutan.
Facebook Comments










