Cauayan City, Isabela – Binabalak ngayon ng pamunuan ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA ang mahigit sa tatlong daang ektarya ng lupa na palalawigin dahil sa taglay nitong isa sa napakagandang lugar sa norte ng bansa.
Ayon kay Atty Raul Lambino, CEZA Admistrator, na nagtungo sya sa bansang Malaysia upang daluhan ang isang signing of agreement sa pagitan ng Malaysian-Singaporean base company na magiging katuwang ng bansa para sa nasabing proyekto.
Aniya maaring masimulan umano ang Sinago Cove Project sa mga sususnod na dalawa hanggang tatlong taon. Gagawin umano ito bilang world class tourist destination.
Massive development infra-structure umano ang makikita sa northern part ng Cgayan partikular sa Santa Ana pero titingnan pa rin umano na hindi masisira ang kapaligiran o mananatili pa rin umano ang legacy ng kagandahan ng Sta. Ana.
Samantala ang Sinago Cove na matatagpuan sa eastern part ng Sta. Ana, Cagayan na nakaharap sa pacxific ocean ay isang master plan ng CEZA at kabilang din ang planong Education Center sa bayan ng Lal-lo at Sta. Ana; Development of Medical Center at pagpapalawig sa Port Irene sa mga darating na taon.
Mahigit sa Tatlong Daang Ektarya, Planong Palalawigin ng CEZA!
Facebook Comments