Mahigit tatlong libong pulis mula sa MPD, ipakakalat sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Inihayag ni Manila Police District, District Director Chief Supt. Joel Coronel na mahigit tatlong libong mga pulis ang kanyang ipakakalat para bantayan ang mga delegado at pinuno ng ibat ibang bansa na manunuluyan sa mga five star sa sakop ng Manila.

Ayon kay Coronel ilalabas ang lahat ng mga pulis sa labing isang istasyon sa lungsod ng Manila upang magbigay seguridad sa lahat ng mga delegadong dadalo sa 31th ASEAN Summit.

Una rito pinapurihan ni Coronel ang kanyang mga tauhan sa isinagawang Flag raising ceremony kanina sa matagumpay na pagbabantay sa katatapos lamang na Undas kung saan naging matahik sa kabuuang ng naturang event.


Umapila rin ang heneral sa publiko na makiisa at makipagtulungan sa pulisya sakaling mayroon silang nabalitaan na mga pangyayaring na dapat aksyunan ng MPD upang hindi na lumaki at lumala ang sitwasyon.

Facebook Comments