
Nahuli ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang 2 indibidwal na nagtangkang magpuslit ng sigarilyo sa ikinasang Oplan Sita sa National Highway, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Narekober sa mga suspek ang 188 master cases ng ibat-ibang sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱28 million.
Bukod dito kinumpiska rin ang 1 unit ng elf truck na nakarehistro sa isang pribadong kompanya.
Nahaharap ang mga nasabing naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, RA 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at RA 10643 o Graphic Health Warnings Law.
Facebook Comments
