Thursday, June 11, 2026

Senado, pag-aaralan kung hanggang kailan ang heightened security measures at work-from-home set up

Pagaaralan ng Senado kung hanggang kailan ang ipatutupad na heightened security measures at work-from-home arrangement sa mga empleyado.

Ayon kay Office of Sergeant-at-Arms PMGen. Alfred Corpus, i-a-assess muna nila ang sitwasyon pagkatapos ng araw na ito para makita kung kailangan na bang i-lift o alisin ang ipinatutupad na mahigpit na security.

Ibabatay nila ang desisyon sa magiging tugon din ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa naunang hiling na i-verify at i-validate ang bantang may mga armadong grupo na posibleng manggulo sa Senado.

Bahagi rin ng paghihigpit ang pagbabawal muna na magpapasok ng bisita sa Mataas na Kapulungan.

Binigyang garantiya naman ni Corpus na ginagawa nila ang lahat para matiyak ang seguridad sa Senado kabilang na ang kaligtasan ng mga senador at mga empleyado.

Facebook Comments