Mahigpit na border controls laban sa Delta variant, ipinanawagan ng OCTA Research

Nanawagan ang OCTA Research ng mahigpit na border control sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa harap ng lumalaking banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pagsasailalim sa National Capital region o NCR plus areas sa ‘bubble’ ay mapipigilan ang pagpasok ng mas nakakahawang variant sa rehiyon.

Hindi na dapat hintayin pa na may makitang surge bago gumawa ng aksyon.


Aniya ang pagpapatupad ng bubble sa NCR plus areas ay mapoprotektahan ang rehiyon mula sa variants na manggagaling sa labas habang patuloy na gumugulong ang ekonomiya.

“Ang bubble natin is designed is to protect NCR-plus from outside para ‘di makapasok dito basta-basta ang mga variant,” ani David.

“Kung may bubble tayo at na protect natin ang sarili natin like a shield, pwedeng patuloy pa rin ang ekonomiya natin sa loob ng NCR-plus,” dagdag pa niya.

Nabatid na inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 16 ang bagong kaso ng Delta variant sa bansa at 11 ay local cases.

Facebook Comments