Pinangunahan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office ang aktibidad, katuwang ang iba pang ahensya, bilang bahagi ng paggunita sa World Wildlife Day.
Layunin ng joint operation na tiyaking sumusunod sa umiiral na environmental laws at permit conditions ang mga indibidwal at establisimyentong sangkot sa pagpaparami at pagbebenta ng imported plants at exotic animals.
Sa isinagawang monitoring, sinuri ang mga environmental permit, tamang dokumentasyon ng wildlife stock, pagsusumite ng monitoring reports, at ang maayos na pagpapatupad ng mga pasilidad na nakatalaga para sa mga exotic species.
Bagamat pinapayagan ang propagation at kalakalan ng ilang wildlife species, hinikayat ng tanggapan ang publiko na pangalagaan ang mga hayop sa kanilang natural na tirahan dahil mahalaga ang mga ito sa pagpapanatili ng balanse sa kalikasan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ang naturang hakbang sa patuloy na pagsuporta sa mga pambansang polisiya sa pangangalaga ng kalikasan at sa pagsusulong ng pagprotekta sa wildlife at sa integridad ng mga natural na ekosistema. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








