Pag-aaralan ni ACT-CIS Representative Eric Go Yap ang pagsusulong ng panukala para sa mas mabigat na parusa sa mga nagpapakalat ng fake news.
Kasunod ito ng pag-kalat ng pekeng balita sa social media na nakasira noong una sa imahe ng bansa sa 30th SEA Games.
Ayon kay Yap, napapanahon na para magpataw ng mas mahigpit na parusa para sa mga nagsisimula at nagpapakalat ng fake news.
Sa halip aniya na makatulong ay posibleng nakaapekto sa turismo ang pagkakalat ng fake news.
Inirekomenda ni Yap sa gobyerno na tugisin ang mga nagsimula ng fake news at nagpakalat nito.
Pinasasampahan din niya ng economic sabotage ang mga nasa likod ng pekeng balita dahil nakaapekto ito sa kabuhayan ng ilang mga kababayan na umaasa sa pagdagsa ng mga turista sa SEA Games.