Mahigpit na screening sa mga uupo sa Bangsamoro Transition Authority, pinatitiyak ng Kamara

Pinatitiyak ng Kamara sa Malacañang ang maayos na kwalipikasyon ng mga uupo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Kaugnay dito ay umapela si Basilan Rep. Mujiv Hataman na bumuo ng isang screening committee nang sa gayon ang mga bubuo sa BTA ay ibinase sa merito, kagalingan at integridad.

Nais matiyak ni Hataman na ang mga itatalaga sa BTA ay makakatugon sa pangangailangan ng Bangsamoro at ang mga ito ay malaya mula sa impluwensya ng pulitika.


Dagdag pa ng kongresista, hangad nila na walang madedehado at dapat may patas na distribusyon ng mga kinatawan sa mga lugar, sektor at “ethnicity” sa buong Bangsamoro Autonomous Region.

Nasa 80 katao ang kailangang maitalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa BTA.

Facebook Comments