Mahigpit na seguridad para sa paggunita ng EDSA People Power Anniversary sa Pebrero 25, tiniyak ng NCRPO

Nakalatag na ang seguridad para sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Vicente Danao Jr., utos niya sa kanyang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang minimum health standards para makaiwas sa pagkahawa hawa ng COVID-19.

Pinagana na rin ng NCRPO ang mga police district na magsagawa ng checkpoint sa mga lugar na pagdarausan ng iba’t ibang aktibidad kaugnay sa selebrasyon.


Pinagdadala rin ni Danao ng “yantok” ang lahat ng nakadeploy na pulis upang masigurong nasusunod ang physical distancing partikular na sa mga places of convergence tulad ng mga mall, palengke, terminal, simbahan at iba pang matataong lugar.

Ang Pebrero 25 o ang EDSA Day ay idineklarang Special Non-Working Holiday batay na rin sa Proclamation 986 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments