Dalawang drug suspek, arestado sa Makati City

68

Huli ang dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan Makati City Police Station sa Lacuña St., Brgy. Bangkal, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ang mga naaresto ay sina Ricardo Gutierrez, 35-anyos at Danilo Ronio 39-anyos.


Sila ay nahuli sa aktong nagbebenta ng droga matapos na magpanggap na buyer ang isa sa mga pulis.

Nakuha sa dalawang suspek ang apat na sachet ng shabu at P500 buy-bust money.

Sa ngayon, nahaharap na ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments