Manila, Philippines – Maingat ang aktor na si Zanjoe Marudo sa pagbibigay ng komento hinggil sa bali-balitang relasyon nila ng 19-year-old model-surfer na si Josie Prendergast.
Sabi ni Zanjoe, bago pa lang silang magkakilala ni Josie kaya nakakahiya na nadadawit agad ang pangalan nito sa isyu.
Payo niya sa netizens, huwag agad mag-assume.
Hindi rin makapagbigay ng direktang sagot si Zanjoe nang tanungin kung may plano siyang ligawan si Josie.
Samantala, sa July 23, nakatakdang magdiwang ng kanyang 36th birthday ang aktor.
Wala na raw siyang mahihiling pa dahil kontento siya sa ngayon maraming projects, marami pang nakaabang at marami pa rin ang nawawala.
Facebook Comments