Manila, Philippines – Asahan ang mainit na panahon sa ilang lugar sa bansa ngayong weekend.
Kasabay nito, tatagal pa ang frontal system na magdadala ng malakas na ulan kung saan pinakaapektado ang northern at central Luzon partikular sa Isabela, Kalinga at Cagayan.
Sa mga aakyat naman sa Baguio ngayong weekend, magbaon po tayo ng payong at jacket dahil inaasahan ang maghapong pag-ulan.
Sa mga nagbabalak namang mag-beach, mag-ingat din po dahil mas madalas ang ulan at thunderstorms dahil nasa transition period na tayo papuntang habagat season o tag-ulan.
Sa three-day forecast para sa Puerto-Prinsesa, magiging maulan po sa weekend.
Sa Boracay naman hindi kasing lakas ang ulan pero may posibilidad po ng isolated thunderstorms o panandaliang ulan sa hapon.
Sa Metro Manila, mainit sa bandang tanghali pero may tiyansa ng ulan sa hapon o gabi.
Bahagya namang bababa ang temperatura sa Linggo at Lunes pero may tiyansa pa rin ng pag-ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 34 degrees celsius habang ang heat index o damang init ay aabot sa 41 degrees celsius.
Sunrise: 5:27 ng umaga
Sunset: 6:18 ng gabi
DZXL558