Zika virus, binabalak na gawing panggamot sa brain tumor

32

Britain – Binabalak ng mga scientist sa Britain na pakinabangan ang zika virus sa pagsisikap na ipapatay dito ang brain tumor cells.

Ang eskperimentong ito ay maaaring magturo ng bagong paraan para malabanan ang agresibong uri ng cancer.

Magtutuon ang pananaliksik sa glioblastoma, ang pinakakaraniwang tipo ng brain cancer, na mayroong five-year survival rate na halos 5 porsiyento lamang.

Ang zika ay nagdudulot ng matinding kapansanan sa mga sanggol sa pamamagaitan ng pag-atake sa developing stem cells sa utak – ngunit sa matatanda na lubusan nang nabuo ang utak ay kadalasang nagdudulot ito ng mga sintomas ng flu.

Ang cancer cells sa glioblastoma ay katulad sa developing brain, nagpapahiwatig na maaaring gamitin ang virus para targetin ang mga ito nang hindi nadadamay ang brain tissue ng normal adult.
DZXL558

Facebook Comments