MAINTENANCE | Ilang lugar sa Pasay City, mawawalan ng tubig

13

Pasay – Pansamantalang mawawalang ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Pasay City.
Ito’y dahil sa magsasagawa ng maintenance activity ang Maynila sa Aurora Street kanto ng Arnaiz Avenue, Brgy. Sta. Clara kung saan magsisismula ito ng alas-11:00 mamayang gabi hanggang alas-1:00 ng madaling araw kinabukasan (December 7).
Dahil dito, nag-abiso ang Maynilad na mag-ipon na ng sapat ng supply ng tubig sa mga nabanggit na oras at asahan na din ang delay sa muling pagbabalik depende sa lokasyon, volume ng tubig at layo sa mga pumping station.

Facebook Comments