MAINTENANCE NG AGNO-SINOCALAN IRRIGATION SYSTEM NG NIA, NAGPAPATULOY; ILANG LUGAR APEKTADO NG SHUTDOWN

Nagpatupad ng shut down o close operation ang National Irrigation Administration o NIA Pangasinan sa ilang irrigation systems nito upang bigyang daan ang pagsasagawa ng maintenance dito.

Sa ngayon ay close operation ang Agno-Sinocalan kung saan sa pagsasara nito pansamantala ay apektado ang mga lugar ng District 3 at 4 at ilang lugar sa bahagi ng District 5 at 6 ng lalawigan.

Ayon kay Engr. Gaudencio De Vera, manager ng NIA Pangasinan na isang buwang isasara ang naturang irigasyon sa probinsiya na nagsimula pa noong nakaraang buwan at inaasahang muling magiging fully operational sa pagpasok naman ng ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo o depende sa magiging pag uusap ng kinauukulan kung kailan ang eksaktong muling pagbubukas nito.


Saad pa ng opistal na sa panahon ngayon umano ang mainam na nakatakdang paglilinis sa mga kanal bilang paghahanda ng ahensya sa pagpasok na ng tag ulan.

Dagdag pa nito na mababa pa ang lebel ng tubig sa San Roque Dam kaya’t nag abiso sila sa mga magsasaka na sa ikatlong linggo ng buwan ng Hunyo ang mas mainam na magsimulang magtanim ng palay upang sa gayon ay maiwasan ang aberya sa mga irrigation systems.

Facebook Comments