Muling nagpakitang gilas sa larangan ng ibat ibang imbensyon ang mga Senior High School Students ng STI Cotabato.
Kanina ipinakita ng mga ito ang kanilang mga angking galing sa paglikha ng ibat ibang makabagong exhibits kasabay ng STI EXPO 2020 , I Learn and Share Culminating Activity.
Kabilang sa ipinabilib ng mga istudyante ang kanilang talento sa paggawa ng gadgets, recyclable materials maging sa pagluluto .
Ang Expo ay bilang assessment na rin ng mga mga guro maging ng eskwelahan kung anu-ano nga ba ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa loob ng dalawang taon bilang Senior High School ayon pa kay Assistant Principal Glenn Gonzales.
Inaasahan rin aniya na sa pamamagitan ng ganitong mga exposure ay makakadiskubre ng mga bagong mga negosyante o dili kayay mga imbentor na nagmumula sa syudad sa susunod na mga panahon dagdag pa ni Gonzales.
Pinasalamatan naman ni Gonzales ang suporta ng mga magulang ng kanilang mga istudyante.
Makabagong Imbensyon tampok sa STI EXPO 2020
Facebook Comments