Makabagong Maguindanao Suportado ng mga myembro ng SP

Kaligtasan ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Maguindanao ang isa sa dahilan kung bakit hindi na muna ipinapaukopa sa mga ito ang Legislative Building sa bayan ng Buluan.

Sinasabing naapektuhan ang gusali matapos ang yumanig na magkakasunod na lindol noong nakaraang taon, ito ang impormasyon na ipinarating sa DXMY ni Provincial Administrator Odjie Balayman. Sinisiguro lamang anila na maging ligtas ang mga halal na opisyales ng lalawigan lalo na sa mga di inaasahang natural na kalamidad.

Nauna na rin aniyang napakiusapan ni Provincial Governor Bai Mariam Sangki -Mangudadatu ang mga myembro ng SP sa pangunguna ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat na sa Provincial Capitol Extension munang pansamatalang mag-opisina o magsagawa ng session habang inaantay na matapos ang ipinapagawang bagong tanggapan sa Old Provincial Capitol sa Shariff aguak.


Sinasabing bukod sa kapitolyo sa Buluan, minsan ay nagsasagawa rin ng session ang SP sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa satellite office ng bise gobernador.

Kaugnay nito , puspusan naman ang ginagawang inisyatiba ng mga myembro ng SP Maguindanao para na rin sa kapakanan ng nakakarami sa lalawigan .

Noong nakaraang session, inaprobahan na rin ng SP ang budget ng mga LGU para ngayong taon . Sinasabing suportado rin nito ang lahat ng Adbokasiya ng Provincial Government para sa Makabagong Maguindanao ayon pa sa isang Senior Board Member .
SP Maguindanao Pic

Facebook Comments