Sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na ilagay ang mga makabago o state of the art na mga buya sa bahagi ng Philippine Rise o dating Benham Rise at bahagi ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, epektibo ngayong araw ang pag-deploy sa 3 sa 10 mga state of the art lighted ocean buoys.
Ang bawat isa nito ay may habang 30- talampakan, may makabagong marine aids sa navigational lanterns, specialized mooring systems at remote monitoring system gamit ang satelite technology sa pag-transmit ng mga data patungo sa PCG headquarters.
Sa pamamagitan ng buyang ito, maipapaalam na ang Philippine Rise na nasa 250 kilometro ang layo mula sa Aurora Province ay isang special protected zone.
Nangangahulugan ito na ipinagbabawal ang anumang mining at oil exploration upang maprotektahan ang mayamang natural resources ng Philippine Rise.